Advent and Devotional books released!

Written by Angie Sajona on . Posted in Uncategorized

 

cover

Muli ay tunghayan natin ang mga nakatutuwa, naka-aaliw at, higit sa lahat, kapupulutan ng aral na mga reflections ni Fr. Larry sa apat (4) na Sundays of Advent, the Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary, Simbang Gabi at Aguinaldo Masses, The Nativity of the Lord (Christmas), Solemnity of Mary, The Holy Mother of God; Solemnity of the Epiphany of the Lord, Baptism of the Lord, at ang Feast of the Sto. Niño. Naka sentro ang kanyang mga reflections sa Year of the Clergy and Religious Life, buhay niya sa loob ng seminaryo, noong bata pa siya at marami pang iba. Alamin kung paano niya nabuo at kung saan nakuha ang inspirasyon upang isulat ang Immanu’el, The God Within. Nag ambag din ng reflections sina Fr. Chris, Kuya Dik at Kuya Carlo sa librong ito. Ang cover photo ay ang kaliwang kamay ni Fr. Larry at ang kanyang baby Jesus. Ito ay mabilili sa halagang PhP150.

 

Dasal at Awit

Good news!

Mabibili na po ninyo ang 396-page pocket-sized OLMCP devotional, Dasal at Awit, kung saan makikita ang lahat ng mga pang-araw-araw na dasal natin pati na rin ang mga novena, septenary at triduum prayers. Naroon din ang mga nakasanayan na nating mga awit-simbahan.

Ang limited edition na devotional ay mabibili lamang sa halagang PhP250 sa parish office at sa labas ng simbahan tuwing Linggo. Maganda po itong Christmas gift para sa inyo, pamilya at kaibigan.

Ito ay proyekto ng Worship Ministry.